May 22, 2012
Hello reader :)
Iba dapat ang tinatype at tinatapos ko ngayon. May kailangan pa akong tapusin at iedit na sobrang kailangan na pero tulad ng madalas na nangyayari, nawala na ako sa mood para gumawa ng diretso. Eh asan na nga ba yung superhero ko? Lumipad na papunta sa ibang mundo. Hindi nga siguro siya ang tamang pagsabihan ng this and that na naiisip ko ngayon. Eh bakit ba kasi kailangan pang isipin? Pwede bang makiramdam na lang din ako? Tapos idadaan ko na lang din sa “sharp words” ang lahat? Mas madali yun ee. Kasi madali din naman ‘daw’ magsorry. Ewan ko at ang dali na lang sa mga taong magalit ng walang dahilan. Magagalit, magsasabi ng kung ano ano tapos kapag nadapa at nakabaon ka na ng sobra, saka bibitawan yang “sorry” na yan at aabutan ka pa ng kamay nila para makaahon ulit. Wow. Di ba ang saya naman masyado nun? Ano yun, mananakit ka tapos sa simpleng sorry mo okay na lahat? Sa simpleng salita mo ng pagtanggap maayos na lahat? Wala na. Kahit sabihin pa na naging maayos kayo, nakasakit ka na. Andun na yun ee.Ang hindi ko maintindihan sa mga tao, matapos mapatawad ay uulitin lang ulit ang pagkakamaling nagawa nila before. Ano ang mga nasa paligid niyo? Laruan? Nasasaktan din yan tulad ng napakataas niyong pride. Pakibawasan naman at libre po ang patabas sa mananahi.
Meron pang napakainsensitive sa feelings ng iba. Hoy! Hindi lang ikaw ang nagiisang tao na nangangailangan ng pangunawa. Makaintindi ka nga. Kahit kaibigan mo pa yan. Ang pasensya nagkukulang po, paunawa lang. Minsan ay sobra na. Pakibawasan na din nyang kaartehanat kayabangan sa katawan. Isabay na dyan sa pride na mas malaki pa sa hinanakit ko sa bawat isa sa inyong nagsasalita ng patalikod sa akin. Nakakainis naman kasi kayo minsan. Pagbigyan na at minsan lang naman to. Malay mo bukas ay nacompose ko na ulit ang sarili ko? Ngayon lang to. Napuno ee.
Kailangan ko ng ano.. hmmm. popcorn please? :)


